Sanggol na 4 buwan ng patay, lumalaki sa kabaong
October 22, 2003 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY Mapanindig-balahibo ang naganap na pangyayari tungkol sa apat na buwang nailibing na sanggol na babae pero nadiskubreng lumalaki at nagbubuga ng mabangong amoy mula sa loob ng kanyang kabaong, ayon sa ulat mula sa Barangay Inuman, Sindangan, Zamboanga del Norte.
Ito ang misteryong bumabalot sa isang 11-buwang gulang na sanggol na si Maryjoy Carangan na namatay dahil sa komplikasyon sa puso noong Hunyo 21, 2003.
Napag-alaman sa ulat na matapos na mailibing ang sanggol noong Hunyo 24, 2003 ay tatlong beses nanaginip si Marilyn Carangan, ina ng sanggol at ang pinakahuling panaginip ay naganap noong Oktubre 13, 2003 tungkol sa tinuran ni Lord Jesus Christ magtungo sa libingan ng kanyang anak na si Maryjoy dahil ito ay buhay.
Kaya noong Oktubre 14, 2003 ng umaga ay nagtungo sa sementeryong kinalilibingan ng kanilang anak ang mag-asawang Marilyn at Jose Pueblos Carangan.
Ayon pa sa ulat, mula sa Sindangan, Zamboanga del Norte na nakumbinsi ng mag-asawang Carangan ang katiwala ng sementeryo na muling buksan ang libingan ng kanilang anak at inihanda naman ang ilang pirasong semento sakaling umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa kabaong ng sanggol.
Nang buksan ang kabaong ni Maryjoy ay umalingasaw ang mabangong amoy na animoy bulaklak at napansin ng mag-asawa na tumutulo pa ang luha sa mata ng sanggol.
Hindi rin nabubulok ang katawan ng sanggol at patuloy na lumalaki maging ang buhok nito ay humaba kaya nagdesisyon ang mag-asawa na dalhin ang labi ng kanilang anak sa simbahan ng Seventh Day Adventists.
May teorya naman ang mga kapitbahay ng mag-asawa sa Barangay Inuman, Sindangan, Zamboanga del Norte na nilagyan ng embalsamador ng likidong pabango ang katawan ng sanggol pero hindi maipaliwanag ang patuloy na paglaki ng bata.
Sinabi naman ng ama ng sanggol na sakaling mabulok at mangamoy ang labi ng kanilang anak ay agad nilang ipalilibing. (Ulat ni Bong Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest