^

Probinsiya

Prosecutor tinodas, killer patay din

-
LAOAG CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang fiscal ng mga hindi kilalang armadong lalaki habang bumibili ng sigarilyo ang biktima pero napatay din ang mga killer nito ng mga nagrespondeng pulis kamakalawa.

Anim na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Patrocinio Aurelio, 64, provincial prosecutor at residente ng Barangay 9, Laoag City.

Sa ulat na isinumite kay P/Chief Supt. Claudio Cabreros, PNP Region 1 director, pumarada ang sasakyan ni Aurelio na may kasamang hindi kilalang babae sa tindahang malapit sa Fort Ilocandia para bumili ng sigarilyo.

Dito na lumapit ang mga killer sakay ng kotseng walang plaka at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima hanggang sa duguang bumulagta sa kalsada.

Ayon pa sa imbestigasyon, napatay naman ang mga killer ng fiscal ng mga nagrespondeng pulis at ang isa sa mga pumatay ay anak ng barangay chairman.

Kasalukuyang pang bineberipika ang pangalan ng mga killer habang sinisilip ang anggulong politika o personal na may nakaaway ang biktima kaya pinatahimik. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

AURELIO

AYON

CHIEF SUPT

CLAUDIO CABREROS

DITO

FORT ILOCANDIA

LAOAG CITY

MYDS SUPNAD

PATROCINIO AURELIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with