3 NPA sumuko
October 21, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sumuko sa batas ang tatlong rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang ang isang opisyal sa magkakahiwalay na insidente sa Leyte at Compostela Valley kamakalawa.
Ang sumurender na rebel official ay kinilalang si Nonito Lucoboy Cantal alyas Ka Fred, vice team leader ng Samahang Yunit Pampropaganda (SYP) ng NPA Front Committee 2.
Nakilala naman ang dalawa na sina Marissa Alao, miyembro ng Squad Arnel ng Platoon Dayek at Julio Alcsoda alyas Ka Joel.
Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala na si Ka Fred ay sumuko sa tropa ng Armys 60th Infantry Battalion sa Maco, Compostela Valley.
Samantala, sina Alao at Alcasoda ay sumuko naman sa mga elemento ng 19th at 43rd Infantry Battalion sa Baybay, Leyte nitong Linggo dakong alas-10 ng umaga.
Base sa isinagawang inisyal na tactical interrogation, inamin ng tatlong rebelde na nagdesisyon silang sumuko matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest