Nang-hostage na preso tinodas
October 20, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Humantong sa malagim na kamatayan ang pangho-hostage ng nag-amok na preso na desperadong makatakas habang isa pa ang nasugatan nang mabaril ito ng mga jailguard sa naganap na hostage drama sa loob ng compound ng bilangguan sa Zamboanga City kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang hostage-taker na si Felipe Gonzales, may kasong homicide.
Sugatan namang nailigtas si Lea Ellorin, 17, bisita sa bilangguan. Kabilang pa sa nasugatan si Jesselton Chan.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., ang hostage-drama ay naganap sa lobby ng visiting quarters sa loob ng Zamboanga City Reformatory Center kung saan kabilang sa mga nakakulong na preso ang suspek.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyan palabas si Ellorin matapos bumisita nang sunggaban ni Gonzales. Habang kinakaladkad ang dalaga palabas ng bilangguan upang gawing kalasag sa pagtakas, nagpaputok ng warning shot ang mga nagrespondeng jailguard pero binalewala ito ng suspek na tila nawala na sa sariling katinuan. Pinagsasaksak ni Gonzales ang dalagang hostage kaya napilitan na ang mga awtoridad na barilin ito na tinamaan ng ilang beses at siya nitong agarang ikinamatay. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest