^

Probinsiya

Roomboy dedo sa 'agaw-cellphone'

-
NUEVA ECIJA – Binaril at napatay ang isang roomboy ng hotel makaraang manlaban ito sa isang lalaki na nang-agaw ng kanyang cellphone sa kahabaan ng Nueva Ecija-Aurora Road, Brgy. San Isidro, Cabanatuan City kamakalawa ng gabi.

Nasawi sa tama ng bala sa dibdib habang ginagamot sa Premiere General Hospital ang biktimang si Michael Pillarina y Sarmiento, 17, empleyado ng Isla Acacia Hotel ng Brgy. San Vicente, Jaen, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na si Pillarina ay nagpasamang bumili ng cellcard sa kasamahang roomboy na si Jeffrey Urbano bandang alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon kay Urbano, habang inilo-load ng biktima ang cellcard ay hinintuan sila ng suspek na sakay ng walang plakang traysikel saka mabilis na inagaw ang Nokia 3210 ng biktima.

Imbes na hayaan na lang ng biktima na maagaw ang kanyang cellphone ay nanlaban pa ito sa suspek na armado ng baril kaya pinaputukan ito ng isang beses saka mabilis na tumakas patungo sa Brgy. Bangad. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BRGY

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

ISLA ACACIA HOTEL

JEFFREY URBANO

MICHAEL PILLARINA

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA-AURORA ROAD

PREMIERE GENERAL HOSPITAL

SAN ISIDRO

SAN VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with