5 maninikwat ng bakal nalambat
October 19, 2003 | 12:00am
BUENAVISTA, Agusan del Norte Limang kalalakihan na pinaniniwalaang maninikwat ang naaktuhang nagnanakaw ng mga bakal sa tulay na sakop ng Agusan del Norte kamakalawa.
Kasalukuyang naghihimas ng rehal na bakal ang mga suspek na sina William Cagas Grapa, Arnie Depay Ranollo, Jackson Cinco Villareal, Esmael Paleo Cagampang at Jose Rojo Cabug-os.
Napag-alaman sa ulat ng pulis- Buenavista, ang mga suspek ay naaktuhang isinasakay sa cargo trak na kanilang inupahan ang mga ninakaw na bakal ng tulay sa Sitio Tinago, Barangay Matabao sa bayang ito.
Nabatid pa na ang ninakaw na bakal ay bahagi ng 12 kilometrong tulay na nag-uugnay sa dalawang bayan mula sa Butuan City. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest