Base sa ulat, ang mga biktima ay pinangungunahan ni Engineer Nicasio Tabago ng Isabela Provincial Engineers Office.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command spokesman Lt. Col. Preme Monta, bandang alas-11:00 ng umaga, naganap ang insidente habang ang grupo ni Tabago ay patungo sa project site sa Sitio Casisitan, Brgy. Minanga, San Mariano ng nabanggit na lalawigan.
Nabatid na ang mga biktima ay nakatakdang makipagpulong kay San Mariano Mayor Jesus Miranda hinggil sa ipapatayong New District Hospital sa nasabing bayan nang harangin ng mga rebelde.
Ayon kay Monta, pinalaya lamang ang mga biktima bandang alas-6:50 ng gabi.
Naniniwala naman si NOLCOM Chief Lt. Gen. Romeo Dominguez na ang nasabing insidente ay isa na namang uri ng harassment ng NPA para mapigilan ang government projects sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)