^

Probinsiya

5 engineer hinostage ng NPA

-
CAMP AGUINALDO – Hinostage ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang limang inhinyero sa naganap na walong oras na tensiyon sa San Mariano, Isabela noong Miyerkules.

Base sa ulat, ang mga biktima ay pinangungunahan ni Engineer Nicasio Tabago ng Isabela Provincial Engineer’s Office.

Ayon kay AFP Northern Luzon Command spokesman Lt. Col. Preme Monta, bandang alas-11:00 ng umaga, naganap ang insidente habang ang grupo ni Tabago ay patungo sa project site sa Sitio Casisitan, Brgy. Minanga, San Mariano ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid na ang mga biktima ay nakatakdang makipagpulong kay San Mariano Mayor Jesus Miranda hinggil sa ipapatayong New District Hospital sa nasabing bayan nang harangin ng mga rebelde.

Ayon kay Monta, pinalaya lamang ang mga biktima bandang alas-6:50 ng gabi.

Naniniwala naman si NOLCOM Chief Lt. Gen. Romeo Dominguez na ang nasabing insidente ay isa na namang uri ng harassment ng NPA para mapigilan ang government projects sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

CHIEF LT

ENGINEER NICASIO TABAGO

ISABELA PROVINCIAL ENGINEER

JOY CANTOS

NEW DISTRICT HOSPITAL

NEW PEOPLE

NORTHERN LUZON COMMAND

PREME MONTA

SAN MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with