3 kidnaper tiklo, trader nasagip
October 15, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Nakaligtas sa tangkang pagdukot ng mga pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang ang mayamang negosyanteng babae dahil sa maagap na pagresponde ng mga operatiba ng pulisya sa Kiamba, Sarangani, kamakalawa.
Kasabay nito, tatlong kidnaper naman ang nadakip na kinilalang sina Meliesan Flores, 67; Edwin Flores, 34; kapwa may nakabimbing kasong kriminal sa Municipal Trial Court ng Kiamba at Macapagal Flores, 38, nahaharap naman sa ibat ibang kasong kriminal sa prosecutor office ng Sarangani.
Ang mga suspek ay pawang tauhan ni Commander Mantil, isa sa mga pinagkakatiwalaang lider ng Pentagon KFR na pinamumunuan ni Commander Tahir Alonto.
Nakilala naman ang nakaligtas na target na si Jemma Barrientos, isang prominenteng negosyante sa lalawigan.
Sa ulat na tinanggap kahapon sa Camp Crame, dakong alas-5:30 ng hapon nang agad na magresponde ang mga elemento ng pulisya nang makatanggap ng ulat hinggil sa presensiya ng grupo ni Commander Mantil sa Brgy. Nalus, Kiamba ng naturang probinsiya.
Nabatid na ang mga suspek ay namataang gumagala sa nasabing lugar na akmang dadakmain na ang nasabing negosyante nang matiyempuhang dumating ang mga pulis at napigil ang tangkang pagdukot.
Ditoy nagkaroon ng ilang minutong habulan hanggang sa masukol ang tatlong suspek.
Dinala ang mga suspek sa himpilan ng Sarangani Provincial Police Office para maisailalim sa masusing imbestigasyon.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest