Iniwan ng live in partner nag-suicide

Lucena City – Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 29 anyos na binata matapos na iwanan ng kaniyang live-in partner kamakalawa ng hapon sa Purok Pinag-isa , Brgy. 2 ng lungsod na ito.

Kinilala ni P/Supt. Edgar Layon, Chief of Police ng Lucena City ang biktima na si Alvin Gabo, walang hanapbuhay at residente ng nasabing lugar.

Bandang 4:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabitin sa kisame ng kaniyang kuwarto.

Natagpuan ang isang suicide note sa tabi ng bangkay na nagsasaad na nagdesisyon itong magpakamatay bunga ng di na makayanang hinagpis sa ginawang pag-iwan dito ng kaniyang live-in partner na nagtungo sa ibang bansa.

Bago umano nagpatiwakal ang biktima ay kinakitaan ito ng pagka-aburido na palaging wala sa sarili. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments