Pulis tinumba sa sementeryo

CAMP CRAME – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang kagawad ang pulisya matapos na tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harap ng sementeryo na sakop ng Barangay Rawis, Calbayog City, Western Samar kamakalawa. Kinilala ang biktima na si SPO2 Ronaldo Raburtura, nakatalaga sa himpilan ng pulisya ng Santa Margarita. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin ng mga armadong rebelde saka pinaulanan ng putok kaya bumaligtad ang sasakyan nito na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Napag-alaman na bago tumakas ang mga rebelde ay tinangay ang service firearm ng bikitma. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments