Ginagamot ngayon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Joseph Aguillon, Erwin Ayes, Gerald Raguin, Sandy Nocete at Anthony Llasos, samantala, ang suspek na binaril sa hita nang nagrespondeng pulis ay nakilalang si Alex Rico, 42, may asawa ng Barangay Illaor Oas, Albay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na magkakasamang kumakain ang mga biktima sa karinderya nang biglang lumapit ang suspek.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nanghalibas ng tubo ang suspek sa mga kumakain na biktima subalit agad namang rumesponde ang ilang pulis para payapain ang nag-amok pero nagpatuloy pa rin kaya napilitang barilin. (Ulat ni Ed Casulla)