2 alalay ni Janjalani nalambat
October 1, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nalambat ng militar ang dalawang alalay ni Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Sultan Kudarat kahapon.
Kinilala ni Army Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling ang nasakoteng suspek na sina Munid Jalalim Atamad, alyas Fauja Abdulraham, 40, at isang alyas Hashim, 20.
Batay sa ulat, ang dalawa ay nabitag sa inilatag na "dragnet operations" ng elemento ng Armys 57th infantry Battalion (IB), Military Intelligence Group (MIG) 12 at PNP Auxilliary Police sa follow-up operations sa Kabayanan Center, Brgy. Malisbong sa Palimbang, Sultan Kudarat at Maitum Terminal, Poblacion Maitum sa Saranggani.
Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang militar hinggil sa madalas na presensiya ng mga suspek sa nasabing lugar at bunsod nitoy agad silang naglatag ng dragnet operations na nagresulta sa pagkakalambat sa mga terorista.
Pinaniniwalaan namang si Janjalani ay nagpapalipat-lipat lamang ng pagtatago sa mga bulubunduking lugar sa Saranggani at Sultan Kudarat. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest