2 patay sa tumaob na bangka
September 30, 2003 | 12:00am
CAVITE Dalawang estudyante ang iniulat na nasawi, samantala, 23 naman ang nailigtas sa tumaob na bangka sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion, Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Arnold Mondero, ng Vicar Village, Muntinlupa City at Mark Jayson Napalit, kapwa 16-anyos na estudyante. Ayon sa pulisya, nagkayayaan ang mga biktima na maglayag sa nasabing karagatan at dahil sa lakas ng alon ay biglang sinalpok ang sinasakyang bangka na nagresulta para tumaob. Nagpapatuloy naman ang rescue operation ng Phil. Navy para marekober ang bangkay ni Napalit. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended