^

Probinsiya

Publisher ng tabloid kinidnap sa Bulacan

-
PLARIDEL, Bulacan – Kinidnap ang publisher ng dating lingguhang pahayagan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay papalabas ng kanilang bahay sa Barangay Parulan ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi pa nakikipagnegosasyon ang mga kidnaper ni Florencio "Rey" Pareña, kilalang publisher ng Luzon Pen na ipinakakalat sa Central Luzon at naging kontrobersyal dahil na rin sa pagkakasangkot sa bawal na droga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang pangyayari bandang alas-10:30 ng gabi matapos na lapitan ng hindi kilalang armadong kalalakihan ang biktima sa harap ng sariling bahay.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, natiyempuhan ang biktima na papasakay ng sariling kotse nang paluin sa ulo ng baril saka kinaladkad sa naghihintay na van.

Sinisilip ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang pangyayari sa negosyo ng biktima at pagkakasangkot sa bawal na droga. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BARANGAY PARULAN

BULACAN

CENTRAL LUZON

EFREN ALCANTARA

FLORENCIO

KINIDNAP

LUZON PEN

SINISILIP

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with