Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng TF Jericho ang suspek na si Mario Veloso, Cabanatuan City prosecutor I at residente ng 369 Purok 6, Barangay Sta. Ana Arcadia ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, naaktuhan ang suspek na inaabot ang P10,000 mula kay Sergio Sulit bilang bayad para paboran ang inihaing kaso ni Sulit.
Dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa bahay nito noong Setyembre 23, 2003 matapos na magkasundong dalhin ang malaking halaga sa naturang lugar. (Ulat ni Doris Franche)<