4 pulis naaktuhan sa videoke bar
September 25, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Apat na kagawad ng pulisya ang naaktuhang nagbababad at umiinom ng alak sa loob ng videoke bar sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Pangasinan at Davao del Sur kamakalawa.
Ang mga pulis na naaktuhang umiinom ng alak at kumakanta pa sa Eukikichi videoke house sa Dipolog City ay nakilalang sina SPO1 Claro Cabrera, SPO2 Antonio Bravo at SPO1 Anaben Nudalo na pawang kasapi ng pulisya sa Digos City, samantala, si SPO1 Ceferino Abina Caballero ng himpilan ng pulisya ng Mercedes, Camarines Norte ay naaktuhan sa Yolys videoke sa Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan.
Dinisarmahan naman ang apat na pulis habang inihahanda ang kasong administratibo.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Davao del Sur PNP provincial office at 1103rd Police Mobile group base na rin sa direktiba ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. na pagbabawal sa mga tauhan ng kapulisan na magbabad sa mga nightspots. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended