^

Probinsiya

Kuwaiti terrorists nalambat

-
Nadakip ng tropa ng militar ang isang 40-anyos na Kuwaiti terrorist na pinaniniwalaang responsable sa pagpapasabog ng Mosque sa Pagadian City noong Mayo makaraang mamataan ng mga awtoridad na sakay ng eroplano patungong Zamboanga mula sa Davao City.

Isinailalim na sa deportation proceeding ng Bureau of Immigration and Deportation sa kautusan ni BI Commissioner Andrea Domingo ang suspek na si Jasem A. J. Alhasan.

Napag-alaman pa sa ulat na ang pagkakaaresto kay Alhasan ay batay sa ipinalabas na mission order ni Domingo dahil na rin sa kahilingan ng militar matapos na tiktikan ang suspek.

Base sa ulat ng intelligence unit ng militar, si Alhasan ay sangkot sa operasyon ng Abu Sayyaf partikular na ang grupong Jimaah Islamiyah.

Malimit din mamataan si Alhasan sa kampo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) simula pa noong 1998 kaya malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na galamay ng JI ang suspek at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na terorista.

Kinumpirma rin ng Kuwaiti Travel Records (KTR) na si Alhasan ay may dalawang pasaporte na magkaiba ang pangalan simula pa noong 1998 na ginagamit patungo sa ibang bansa partikular na sa bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALHASAN

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DAVAO CITY

JASEM A

JIMAAH ISLAMIYAH

KUWAITI TRAVEL RECORDS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PAGADIAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with