Dalagita ni-rape sa pastoral house
September 25, 2003 | 12:00am
NUEVA ECIJA Hindi na iginalang ang pastoral house ng dalawang kalalakihang kasapi ng relihiyong Pentecost matapos isagawa ang maitim na balak laban sa isang 15-anyos na dalagita sa Barangay Palale, Palayan City, Nueva Ecija noong Biyernes, Setyembre 19, 2003, ayon sa ulat ng pulisya.
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya para magsampa ng reklamo ang biktimang itinago sa pangalang Belinda, 3rd year high school, samantala, agad naman tumakas ng dalawang suspek na positibo naman kinilala ng pulisya na sina Rodolfo P. Uslay at Rey J. Mico, kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ng pulis-Palayan, nadiskubre ang pangyayari bandang alas-7 ng gabi sa loob ng pastoral house ng Pentecost church na sakop ng nasabing barangay.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, nakarinig ng malakas na ingay si Ireneo Ding-Ayan na nagmumula sa naturang lugar kaya inutusan nito si Arnel Agader na usisain.
Bumulaga kay Agader ang dalawang suspek na walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan at nakatayo may ilang metro lamang ang layo sa biktimang wala rin saplot sa katawan.
Dito na inutusan ni Agader ang biktima na nagbihis at ipagbigay-alam agad sa opisyal ng barangay ang pangyayari.
Pero mabilis naman tumakas ng mga suspek matapos na matunugang nagsumbong ang biktima sa kinauukulan tungkol sa ginawang maitim na balak. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest