Mister pinaslang ng kanyang mag-ina
September 21, 2003 | 12:00am
PILAR, Surigao del Norte Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang 39-taong gulang na magsasaka matapos itong pagtulungang paslangin ng kanyang asawa at anak na lalaki sa naganap na madugong insidente sa Brgy. Caridad sa bayang ito noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng Surigao del Norte Police ang biktima na si Celso Escatron Salvaloza, 39, may asawa at residente ng Brgy. Caridad, Pilar, Surigao del Norte habang ang mga suspek ay nakilala namang sina Eleonora Robion Salvaloza, 36, asawa ng biktima at anak na si Eleocel Salvaloza, 18; anak ng mag-asawa.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa hanggang sa mag-away ang mga ito.
Napundi umano ang biktima bunsod upang saktan nito ang kanyang misis na pinagbubugbog nito.
Sumigaw naman ng saklolo ang ginang na narinig ng kanyang anak na mabilis na sumaklolo.
Hawak ang isang metrong habang matigas na kahoy ay pinaghahampas ng binata ang ama na tinamaan ng maraming beses sa ulo hanggang sa duguan itong bumulagta at bawian ng buhay.
Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa detention cell ng Pilar Municipal Police Station (MPS) ang mag-inang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest