2 konsehal nagsuntukan
September 20, 2003 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Dalawang konsehal ng bayan dito ang nagsuntukan sa isang committee hearing noong nakalipas na Lunes matapos magtalo kung dapat bang ipasa ang isang resolusyon na nagsasaad kung dapat bang ideklarang persona non grata ang tatlong local broadcaster.
Nagpa-blotter si Kon. Gilbert Mangapot,34 sa barangay hall sa Poblacion habang si Kon. Norberto Felix, 60 ay sa pulisya.
Ayon kay Mangapot, nais niyang ideklarang persona non grata sina Rannie Manaois, Allan Sison ng DZRH-Dagupan at Nestor Reyes ng DWPR.
Subalit hindi umano sumang-ayon dito si Felix dahil isang katawa-tawa lang at si Reyes na gusto nitong i-persona non grata ay isang residente ng Lingayen.
Sa pagkakataong ito ay nagpikunan ang dalawa na nauwi sa pagsusuntukan na naawat lang matapos pumagitna ang mga kasamahang konsehal. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended