^

Probinsiya

3 NPA todas sa labanan

-
CAMP AGUINALDO – Tatlong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa panibagong sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng komunistang grupo sa magkakahiwalay na insidente sa Cebu at Masbate kamakalawa.

Kasalukuyan pang beneberipika ang mga pangalan ng mga nasawing rebelde matapos na wala ni isa mang identification card na nakuha sa bangkay ng mga ito.

Ang unang sagupaan ay makaraang magpang-abot ang tropa ng Army’s 78th Infantry Battalion (IB) at hindi pa madeterminang bilang ng mga rebelde sa Sitio Kawa, Kalangahan, Tuburan, Cebu bandang alas-5 ng hapon.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol ang mga sundalo nang makasagupa ang mga rebelde sa nasabing lugar.

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng isang rebelde habang nakarekober din ng isang M14 rifle.

Samantala sa lalawigan ng Masbate, dalawang miyembro naman ng NPA ang napaslang habang dalawa ring .45 pistols na may dalawang magazine at sampung rounds ng bala ang narekober makaraan ang ilang minutong sagupaan sa liblib na lugar sa Sitio Malawmaw, Sampad sa bayan ng Balud.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng security operation ang mga elementong Army’s 2nd Infantry Battalion nang makasagupa ang may sampung rebelde sa nasabing lugar bandang alas-5:30 ng hapon.

Tumagal ang palitan ng putok ng may limang minuto kaya’t napilitang magsiatras sa sagupaan ang mga rebelde nang makitang tumimbuwang ang dalawa nilang kasamahan. (Ulat nina Joy Cantos/Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

CEBU

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MASBATE

NEW PEOPLE

SITIO KAWA

SITIO MALAWMAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with