Ang bangkay ng biktima na natagpuan bandang alas-12 ng tanghali ay nakilalang si Florence Padilla, samantala, ang hindi kilalang magnanakaw na pinaniniwalaang kakilala ng biktima ay naglahong parang bula.
Inaalam pa ng pulisya ang halaga at ari-arian ng biktima na tinangay ng mga mandurugas. (Ulat ni Ed Casulla)
Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Felipe Liva, samantala, ang dalawang rebelde na pinakain ng biktima ay palakad na tumakas bandang alas-3:30 ng hapon matapos na isagawa ang krimen, ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya.
Nabatid pa na bago maganap ang pangyayari ay nakiusap ang dalawang rebelde na makikain at matapos na pagsilbihan ng biktima ay isinagawa ang pamamaslang sa hindi nabatid na dahilan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Isinailalim na sa tactical interrogation ang mag-asawang NPA na sina Constancio Bunio at misis nitong si Teresita Bunio na kapwa tauhan ni Cesar Estorba, alyas Ka Aryong ng Front Committee 3 sa Central Visayas Regional Party Committee (CVRPC).
Inamin ng mag-asawa na nagre-recruit sila ng mga menor-de-edad para maging rebelde kabilang na ang kanilang anak na si Albert, 15-anyos. (Ulat ni Joy Cantos)
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jovi Ibana ng Tuaca, Basud, Camarines Norte.
Samantala, ang suspek na mister ay nakilalang si Noel Ibana na sasampahan ng kaukulang kaso.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na dinatnan ng suspek ang sariling misis na natutulog sa tabi ng may sakit na anak at sa pag-aakalang pinabayaan ay sinimulang suntukin ang may ilang ulit sa katawan ang biktima pero natigil lamang ang pananakit matapos na awatin ng mga guwardiya. (Ulat ni Francis Elevado)