^

Probinsiya

5 sibilyan dinukot ng NPA

-
NUEVA ECIJA – Limang sibilyan ang iniulat na dinukot ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay lulan ng traysikel sa kahabaan ng highway na sakop ng Sitio Lumboy Bukid, Barangay Puncan, Carranglan, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga, Setyembre 13, 2003.

Kabilang sa dinukot na may apelyidong Corpuz ay nakilalang sina Salvador, 50; Victor, 25; Albert, 22; Robert, 22 at Roel, 19 na pawang residente ng Sitio Daldalayap, Brgy. Puncan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang pangyayari dakong alas-8 ng umaga makaraang harangin ng mga armadong lalaki ang sinasakyang traysikel ng mga biktima na minamaneho naman ni Dominador Corpuz.

Pinababa ang mga biktima bago isinakay sa magkahiwalay na van patungo sa direksiyon ng Nueva Vizcaya at San Jose City.

Agad namang ipinaalam ni Domindor sa mga awtoridad ang naganap na pangyayari at sa kasalukuyan ay nangangalap pa ng impormasyon tungkol sa motibo nang pagdukot.

Nagtayo na rin ng checkpoint ang mga tauhan ng 308th PNP Provincial Mobile Group sa mga posibleng lagusan ng mga kidnaper. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY PUNCAN

CHRISTIAN RYAN STA

DOMINADOR CORPUZ

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

PROVINCIAL MOBILE GROUP

SAN JOSE CITY

SITIO DALDALAYAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with