Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina T/Sgt. Angelo Magdasoc, S/Sgt. Danilo Apostol na kapwa miyembro ng 901st Infantry Brigade at ang sibilyang si Jose Madelar Jr. ng Barangay Cumapocapo, Pilar, Sorsogon.
Tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril ang mga biktimang sina Jesus Forendino, Amilo Llona at Domingo Friolo na pawang residente ng nabanggit na bayan.
Naitala ng pulisya ang pangyayari dakong alas-3:45 ng hapon matapos na dumating ang mga rebelde habang nagsasabong ang mga biktima.
Napag-alaman pa na kahit na may tama ng bala ng baril ang dalawang sundalo ay nakipagpalitan pa ng putok sa mga rebelde pero namatay din.
Nabatid pa na ang mga tinedyer na rebelde ay bagong kasapi ng makakaliwang kilusan at nasa ilalim ng test mission. (Ulat ni Ed Casulla)