^

Probinsiya

3 dedo, 3 sugatan sa ratrat ng NPA

-
DARAGA, Albay Tatlo-katao kabilang na ang dalawang sundalo ng militar ang iniulat na nasawi, samantala, tatlo naman ang nasugatan makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga biktima sa tupadahan na sakop ng Barangay Villahermosa sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina T/Sgt. Angelo Magdasoc, S/Sgt. Danilo Apostol na kapwa miyembro ng 901st Infantry Brigade at ang sibilyang si Jose Madelar Jr. ng Barangay Cumapocapo, Pilar, Sorsogon.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril ang mga biktimang sina Jesus Forendino, Amilo Llona at Domingo Friolo na pawang residente ng nabanggit na bayan.

Naitala ng pulisya ang pangyayari dakong alas-3:45 ng hapon matapos na dumating ang mga rebelde habang nagsasabong ang mga biktima.

Napag-alaman pa na kahit na may tama ng bala ng baril ang dalawang sundalo ay nakipagpalitan pa ng putok sa mga rebelde pero namatay din.

Nabatid pa na ang mga tinedyer na rebelde ay bagong kasapi ng makakaliwang kilusan at nasa ilalim ng test mission. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AMILO LLONA

ANGELO MAGDASOC

BARANGAY CUMAPOCAPO

BARANGAY VILLAHERMOSA

DANILO APOSTOL

DOMINGO FRIOLO

ED CASULLA

INFANTRY BRIGADE

JESUS FORENDINO

JOSE MADELAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with