^

Probinsiya

NPA ambush nahadlangan ng mga sundalo

-
CAMP AGUINALDO – Nasilat ng tropa ng militar ang planong pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Mabini, Compostela Valley Province kamakalawa.

Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, naganap ang tangkang ambush bandang alas-8 ng umaga habang nagsasagawa ng security patrol ang mga tauhan ng Army’s 60th Infantry Battalion at Tagbalaobao CAA patrol base sa bisinidad ng Purok 9, Sitio Nangka, Barangay Tagnanan sa nasabing bayan.

Nabatid na habang sinusuyod ng mga sundalo ang lugar ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga rebelde sa pangunguna ni Ka James ng District 1, Front Committee 2 ng Southern Mindanao Regional Committee.

Agad namang gumanti ng putok ang mga sundalo laban sa mga nanambang na mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY TAGNANAN

COMPOSTELA VALLEY PROVINCE

FRONT COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

JOSELITO KAKILALA

JOY CANTOS

KA JAMES

NEW PEOPLE

SITIO NANGKA

SOUTHERN MINDANAO REGIONAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with