Kinilala ni PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr. ang nahuling suspek na si Tito Lim Tie alyas Manuel Cartoo, 36, binata at nanunuluyan sa Moriones, Zaragoza, Tondo, Manila.
Nabatid na si Tie, tubong Fokien, China ay sangkot sa talamak na pagtutulak ng illegal na droga sa nasabing lalawigan.
Si Tie ay nahulog sa operasyon ng mga awtoridad matapos ituro ng isang civilian asset.
Ayon kay Avenido, matapos na makumpirmang positibo ang kanilang natanggap na ulat ay agad silang nagsagawa ng surveillance operations na nagresulta sa pagkakadakip sa nasabing dayuhan.
Sinabi ni Avenido na nadakip si Tie ng mga tauhan ng PDEA Region V Director P/Sr. Supt. Darius Tuason sa Brgy. San Ramon, Lagonos, Camarines Sur kamakalawa.
Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operations upang matukoy kung sinu-sino pa ang kasabwat ng dayuhang suspek sa illegal drug operations.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002 laban kay Tie.(Ulat ni Joy Cantos)