Trader dedo sa ambush

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Bombay ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay lulan ng van sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Ponong, Casiguran, Sorsogon kahapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Sorsogon Provincial Hospital ang biktimang si Jassy Singh ng Our Lady’s Village sa Barangay Bibingcahan, Sorsogon City.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay galing sa paniningil ng pautang at papauwi na sana nang tambangan dakong alas12:45 ng tanghali. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments