Alahera hinalay, pinatay sa pawnshop
September 11, 2003 | 12:00am
NUEVA ECIJA Isang alahera na pinaniniwalaang hinalay sa loob ng pinaglilingkurang bahay-sanglaan ang iniulat na pinatay sa bigti ng hindi kilalang lalaki sa Morales Building, Mabini St. Barangay Quezon District, Cabanatuan City kamakalawa ng hapon.
Ang bangkay ng biktima na natagpuan ng kliyente na nakahandusay sa sahig ng RBN Pawnshop ay nakilalang si Mary Ann Balagat, 24, may asawa at residente ng Barangay Daan-Sarile ng nasabing lungsod.
Sinabi ni P/Supt. Laverne Manangbao, police chief ng Cabanatuan City, posibleng hinalay muna ang biktima saka pinaslang dahil nakaangat ang bra hanggang sa dibdib habang ang panloob na saplot ay nakababa hanggang tuhod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay na nakahandusay sa sahig at nakakubli sa safety vault ng bahay-sanglaan bandang alas-4 ng hapon.
Ayon sa nakakita sa bangkay ng biktima na si Michelle Alfaro na naghihintay siyang masilbihan.
At dahil sa walang makitang tao ay aalis na sana pero nakita niya ang dalawang paa ng biktima kaya kinutuban siyang may nangyaring masama.
Kaya agad namang ipinagbigay-alam ni Alfaro sa kinauukulan ang pangyayari hanggang sa madiskubre ang krimen.
May teorya ang pulisya na kakilala ng biktima ang killer dahil sa may palatandaang nagkasalo sa hapag-kainan ang dalawa.(Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 minutes ago
By Cristina Timbang | 15 minutes ago
By Tony Sandoval | 15 minutes ago
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am