P15M pekeng sigarilyo nasabat
September 10, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT ZONE Tinatayang aabot sa P15 milyong pekeng imported na sigarilyo na tangkang ipuslit palabas ng Subic Bay Freeport ang iniulat na nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD), Intelligence and Enforcement Group (IEG) at ng Special Strike Force ng Office of the Commissioner.
Sa ulat ni ESS-CPD operations chief Capt. Marlon Alameda, may 400 kahon na naglalaman ng mga pekeng sigarilyo na Dj-Mix lemon fresh ang nasabat ng mga awtoridad sa malaking bodega ng Naval Supply Depot (NSD).
Ayon sa intelligence report, lulan ng 40-footer container van ang mga epektos kaya maagap na binantayan hanggang sa masabat.
Kinumpirma naman na peke ang sigarilyo ng mga representante at ilang mga eksperto mula sa Dj-Tobacco Limited ng Hong-Kong, ang orihinal na manufacturer ng nasabing sigarilyo.
Ayon naman kay Subic-BoC Customs Deputy Collector chief for operations Atty. Titus Sangil, ang mga imported smuggled cigarettes ay nagmula sa bansang Malaysia at ipinasok sa Freeport ng consignee na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan.
Sinabi pa ng opisyal na nauna nang ibinagsak ang ilegal na kargamento sa Manila International Container Port (MICP) bago ipinasok sa Freeport at nakatakda rin sanang ipuslit palabas ng bansa.
Ang nasabing kargamento ay pansamantalang inilagay sa Custom Clearance Area (CCA) habang hinihintay ang pinal na desisyon sa pagpapalabas ng warrant of seizure and detention. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest