Binawian ng buhay sa Masbate Provincial Hospital si Exequiel Espares, 22, samantala, sugatan naman sina Romeo Espares, 25, utol ni Exequiel; Carlos Evangelista, 28, at nagngangalang alyas Cano na kaaway ng mag-utol na Espares.
Ayon sa ulat ng pulisya, naitala ang rambol bandang alas-11:30 ng gabi matapos na magsalubong ang magkapatid na Espares at grupo ni Evangelista na pawang lango sa alak. (Ulat ni Ed Casulla)