3 sunog na kampo ng NPA rebs nadiskubre
September 9, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tatlong sinunog na kampo ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) na may 21 kubo at anim na bunkers ang nadiskubre ng 45th Infantry Battalion sa Sitio Caracatan, Barangay Dicamay, Isabela kamakalawa ng umaga.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Army chief Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., natagpuan ang unang kampong sunog sa kagubatang sakop ng nabanggit na barangay.
Nasundan naman ng dalawa pang kampo na may 21 sunog na kubo at maaaring umakupa ng 60 rebelde na pinaniniwalaang inabandona may ilang linggo na ang nakalilipas sa takot na matunton ng militar.
Napag-alaman na ang tatlong kampo ay pawang hindi kalayuan ang layo sa pagitan ng bawat isa.
Nagpapatuloy naman ng operasyon ang tropa ng militar laban sa grupo ng makakaliwang kilusan na pinaniniwalaang nagkalat at nagkukuta sa hindi kalayuang bahagi ng naturang lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest