^

Probinsiya

War clan: 4 sundalo, 4 sibilyan patay

-
ZAMBOANGA CITY – Walo-katao kabilang na ang apat na sundalo ang nasawi, kabilang na ang tinyente ng militar habang isa naman ang malubhang nasugatan nang magsagupa ang dalawang magkalabang angkan noong Lunes ng hapon sa liblib na barangay sa Basilan.

Ayon sa ulat na nakarating sa kampo ng pulisya sa Basilan, nagkaroon ng matinding bakbakan at palitan ng putok sa pagitan ng dalawang mortal na magkakalabang angkan.

Sa naantalang ulat ng pulisya, tumagal ng 30-minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkasawi ng inosenteng sibilyan kabilang na ang tenyente ng militar.

Dalawa sa sibilyan ay nakilalang sina Aldam Abua at Fuljam Hamja, samantala, sa panig naman ng militar ay pansamantalang hindi nabatid ang mga pangalan kabilang na ang isang tinyente habang si Manan Jairin ay malubhang nasugatan.

Matapos na kumalat ang balita noong Miyerkules, Setyembre 3, 2003 ay agad na nagpadala si Brig. Gen. Bonifacio Ramos, hepe ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army ng mga sundalo upang awatin ang kaguluhan.

Inatasan ni Ramos ang lahat ng Battalion commander sa Basilan na dis-armahan at kumpiskahin ang mga baril ng dalawang angkan subalit tinambangan ng mga armadong kalalakihan.

Bumulagta agad ang apat na sundalo kabilang na ang isang tinyente matapos na salubungin ng putok habang papasok sa war zone. -(Ulat ni Boyet Jubelag)

vuukle comment

ALDAM ABUA

AYON

BASILAN

BONIFACIO RAMOS

BOYET JUBELAG

BUMULAGTA

FULJAM HAMJA

INFANTRY BRIGADE

MANAN JAIRIN

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with