Karpintero itinumba ng NPA
September 4, 2003 | 12:00am
CAMARINES NORTE Isang karpintero na inakalang nagbibigay ng impormasyon sa militar at pulisya tungkol sa ikinikilos ng makakaliwang kilusan ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Purok 2, Barangay Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte kahapon ng umaga.
Ang biktima na itinumba habang nagkakarpintero ay nakilalang si Noli Gaco, 43, may asawa ng Purok 6 ng nasabing barangay.
Base sa imbestigasyon ni SPO4 Vicente Rico Carillo, naitala ang pangyayari dakong alas-8:15 ng umaga habang naglalagare ng kahoy ang biktima sa ginagawang bahay na pag-aari ni Benito Quiras ng Purok 2. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest