Police precint nilusob ng NPA
September 3, 2003 | 12:00am
CAMARINES SUR - Isang pulis-Naga na nakipagbarilan ang iniulat na nasawi makaraaang salakayin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang kababayan center sa Barangay Carolina, Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Naga City Hospital ang biktimang si SPO2 Placido Morales Jr., 45 ng police station 6 sa Naga City matapos na mapuruhan ng mga rebelde sa naganap na engkuwentro bandang alas-11:20 ng umaga.
Napatay din ang isang rebelde na hindi naman nabatid ang pangalan.
Sa inisyal na pagsusuri, sakay ng dalawang dyip ang may 30 rebelde nang sumalakay sa kababayan center at kahit na tatlong pulis lamang ang nakatalaga ay nakipagpalitan ng putok laban sa NPA na ikinasawi ng isa at ikinasugat naman ng isa pang pulis na hindi nabatid ang pangalan.
Bago pa salakayin ng NPA ang kababayan center ay nilusob na ang police community precinct sa Barangay Tandaay, Nabua, Camarines Sur pero wala namang iniulat na nasawi o nasugatan dahil naitaboy din agad ang mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest