Ang biktimang tinamaan sa kanang bahagi ng katawan ay nakilalang si Russ Alfeche Dawis, 39, may asawa ng nasabing lugar sa Caraga Region.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Dawis ay nakatayo sa harap ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang nakamotorsiklo at agad na nagpaputok.
Agad na tumakas ang dalawa matapos na matunugang nagresponde ang mga kaanak ni Dawis para dalhin ang biktima sa ospital.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bago pa maganap ang pananambang ay kasalukuyang nagsasagawa ng auditing ang biktima sa pondo ng nasabing simbahan. (Ulat ni Ben Serrano)