^

Probinsiya

Clerk ng DepEd todas sa ambush

-
CAMP CRAME – Tinambangan at napatay ang isang clerk ng Department of Education (DepEd) ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay patungo sa DepEd Regional Science High School kamakalawa ng hapon sa Zamboanga City. Hindi na umabot pa ng buhay sa Western Mindanao Medical Center ang biktimang si Najar Calauang, 56, ng Sta. Maria, Zamboanga City.

Naitala ng pulisya ang pananambang bandang alas-3 ng hapon matapos na abangan ang biktima habang naglalakad patungo sa nasabing lugar.

Agad na tumakas sa hindi nabatid na direksyon ang mga killer sakay ng kulay asul na van na walang plaka.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng krimen dahil sa walang lumutang na saksi sa naganap na pangyayari. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

DORIS FRANCHE

KASALUKUYAN

NAITALA

NAJAR CALAUANG

REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

TINAMBANGAN

ULAT

WESTERN MINDANAO MEDICAL CENTER

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with