Korean trader itinumba

LAGUNA Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Koreano ng hindi kilalang lalaki sa loob ng beach resort sa Barangay San Jose, Mabini, Batangas kamakalawa ng madaling-araw.

Labing-isang bala ng M16 rifle ang tumama sa katawan ng biktimang si Hyon II Cha, 39, may asawa at may-ari ng Tour Dive Resort, Tubong-Singading, Yungin City, Kyuangido, South Korea.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pumasok ang hindi kilalang lalaki sa bakuran ng nasabing beach resort bago isinagawa ang krimen sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments