^

Probinsiya

6 Boy Scout sugatan sa car accident

-
CAMP CRAME – Anim na boyscout ang iniulat na nasugatan matapos na aksidenteng bumaligtad ang sasakyan ng mga biktima habang patungo sa Boy Scout of the Philippines (BSP) Jamboree Camp sa Brgy. San Roque, Sitio Gabangan District, Sorsogon, City, Sorsogon, ayon sa ulat kahapon.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Gerardo Otero, Edward Dayrit, Alfredo Villanueva, Leonardo Asuncion, Cyrel Peñafiel at Ronaldo Marfa, pawang mula sa Pateros BSP Council at kalahok sa BSP Jamboree.

Batay sa ulat, ang insidente ay naganap dakong alas-9 ng umaga sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Bibingkahan sa naturang lungsod.

Kasalukuyang minamaneho ng driver na si Ferdinand Teodoro, 38, ng Marikina City ang Revo Wagon na sinasakyan ng mga biktima nang maganap ang sakuna.

Ang mga biktima ay galing pa sa Metro Manila at nagtungo sa nasabing lungsod upang lumahok sa gaganaping BSP Jamboree.

Bigla na lamang nagloko ang makina ng sasakyan bago nawalan ng kontrol hanggang sa bumaligtad ito nang malubak sa isang malalim na kanal. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALFREDO VILLANUEVA

BOY SCOUT OF THE PHILIPPINES

BRGY

CYREL PE

EDWARD DAYRIT

FERDINAND TEODORO

GERARDO OTERO

JAMBOREE CAMP

JOY CANTOS

LEONARDO ASUNCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with