Kano, misis na Pinay hinoldap bago tinodas
August 29, 2003 | 12:00am
QUEZON Isang Amerikano at misis na Pinay ang iniulat na pinatay matapos na holdapin ng mga hindi kilalang kalalakihan at inihulog pa ang mga bangkay sa ilog na sakop ng Barangay Bihiya Tiaong kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Police Superintendent Macario Absalon, hepe ng pulisya sa nasabing bayan ang mga biktimang sina Donald Ujen Wilson, tinatayang may edad na 40-anyos ng 12 West Maryland, Cubao, Quezon City.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pangalan ng kasama nitong Pinay na walang nakuhang mapagkikilanlan sa kanyang katawan. Ito ay mahaba ang buhok, maputi at posibleng may edad 20 hanggang 30-anyos.
Sa paliwanag ni Absalon, natagpuan ang dalawang bangkay bandang alas-9 ng gabi na halos isang metro ang layo sa isat isa at kapwa may tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
May palagay ang pulisya na hinoldap at pinatay ang dalawa bago itinapon sa Barangay Bihiya para iligaw ang pulisya sa imbestigasyon. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Victor Martin | 9 hours ago
By Omar Padilla | 9 hours ago
Recommended