Ama tinodas ng mag-ina

LUCENA CITY, Quezon – May posibilidad na pambabae ang naging ugat kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 51-anyos na ama ng kanyang mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Purok Sto. Niño, Barangay Ibabang Dupay ng lungsod na ito kamakalawa ng tanghali, ayon sa ulat ng pulisya.

Apat na bala ng baril ang tumapos sa biktimang si Elino Busa, samantala, sumailalim naman sa paraffin test ang mag-inang suspek na sina Amparo Rebecca Busa at Redentor.

Napag-alaman sa pagsusuri ni PO2 Norman Dequito, nilinis ng mag-ina ang kinahihigaan ng biktima kaya malaki ang palagay na may kinalaman sila sa krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments