^

Probinsiya

Samurai vs baril: 2 patay

-
CALABANGA, Camarines Sur – Dalawang mister na pinaniniwalaang may matinding galit sa isa’t isa ang iniulat na nasawi makaraang magsagupa sa kahabaan ng kalsada na sakop ng Zone 4, Barangay Sabang sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kapwa hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center sina Rufino San Juan, 28 at Dominador Aguilar, 57, kapwa may asawa at magkapitbahay sa nabanggit na barangay.

Naitala ng pulisya ang pangyayari bandang alas-11:20 ng umaga matapos na mag-krus ang landas ng dalawa.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na armado ng baril si Aguilar habang samurai naman ang hawak ni San Juan.

Bago pa maganap ang pangyayari ay naareglo ng mga opisyal ng barangay ang alitan ng dalawa pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muling sumiklab ang away na naging sanhi para gumana ang kalawit ni kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AGUILAR

BARANGAY SABANG

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

DALAWANG

DOMINADOR AGUILAR

ED CASULLA

KAPWA

RUFINO SAN JUAN

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with