Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng Claret College na kinabibilangan ng computer room, school library, administration building at school directors office.
Nagtamo naman ng 1st degree burn ang estudyanteng si Reynaldo Paratus na ngayon ay ginagamot sa Infante Hospital.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nagluluto ng floorwax si Paratus sa laboratoryo ng nasabing eskuwelahan nang sumabog ang tangke ng LPG hanggang sa kumalat ang apoy sa kalapit kuwarto.
Tumagal ng isang oras ang sunog dahil na rin sa mabilis na responde ng pamatay-sunog mula sa Isabela City.
Wala namang iniulat na nasawi o malubhang nasugatan maliban kay Paratus. (Ulat ni Joy Cantos)