2 mag-asawa dinedo
August 23, 2003 | 12:00am
Pinatay ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalake ang isang mag-asawa kahapon ng umaga sa Bgy. San Gregorio, Cabiao, Nueva Ecija.
Kinilala ni Police Chief Inspector Elsa Miranda, hepe ng Cabiao Police, ang mag-asawang Romeo, 43; at Elvira Damian, 42.
Sinabi ni Miranda na nagtamo ng tatlong tama ng kalibre .45 baril sa ulo, kaliwang dibdib at kanang braso ang lalake habang ang babae ay kanang diddib na tumagos sa ilalim ng kaniyang kaliwang kilikili.
Itinakbo sa Cabiao General Hospital ang mga biktima ngunit patay na ang babae nang idating doon. Habang tinangkang dalhin ng mga kamag-anak ang lalake sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ngunit nalagutan ito ng hininga sa daan.
Ayon imbestigasyon, pabalik na ang mag-asawa buhat sa pamimili mula sa kabayanan sakay ng isang motorsiklo nang biglang harangin ng mga suspek ang mga biktima sa tapat ng ark welcome ng Bgy. San Gregorio at pinagbabaril.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng kalibre 45 at kinuha rin ng mga suspek ang baril sa likurang bewang ni Romeo. Tumakas ang mga suspek sakay ng isang tricycle na pinaniniwalaang sinakyan din papunta sa lugar na pinagbarilan sa mga biktima.
Ayon pa sa pulisya, matagal nang nakakatanggap ng pagbabanta ang biktima mula sa mga dati niyang kasamahan sa Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) at Rebel Returnees mula sa karatig bayan ng Arayat, Pampanga.
Samantala sa Sipocot, Camarines Sur, tuluyang hindi nagising sa mahimbing na pagkatulog ang isang mag-live-in na sina Nelia Milapre at Saturnino Estela matapos silang pagtatagain habang natutulog sa kanilang kuwarto sa Brgy. Gabi sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ng pulisya dito, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi habang mahimbing na natutulog ang mag-live-in nang pasukin sila ng di pa nakikilalang suspek na armado ng itak sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana at mabilis na inundayan ng mga taga sa ibat ibang bahagi ng katawan.
May teorya ang awtoridad na kilala ng mga biktima ang suspek at sinisilip din ang anggulong love triangle dahil sa ang babae ay hiwalay sa kanyang mister na gustong makipagbalikan subalit ayaw na ng babae. (Ulat nina Arnold Garcia at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest