^

Probinsiya

5 kawal sundalo patay sa ambush ng NPA

-
CAMP AGUINALDO – Limang sundalo ng Phil. Army ang napaslang habang isa pa ang sugatan matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Baganga, Davao Oriental kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Master Sgt. Oscar Andales, Sgt. Aris Montes, Sgt. Vicente Fillaz, Private 1st Class Willy Manlana at Bayan Jamad.

Ang nasugatan na isa ring enlisted personnel na isinugod sa pagamutan ay nakilala namang si Private Abdu Abrasa Kamid.

Nabatid na lulan ang mga biktimang kasapi ng Army’s 534rth Engineering Covert Battalion at 55th Engineering Division sa ilalim ng Army’s 55th Engineering Brigade sa FAW dump truck ng paulanan ng bala ng mga rebeldeng NPA na nakaposisyon sa highway ng Sitio Kamangan, Brgy. Binondo, Baganga, Davao Oriental dakong alas-10 ng umaga.

Napag-alamang magsasagawa ng rehabilitasyon sa lugar tulad ng pagkukumpuni sa mga tulay at magsasagawa ng support mission nang maganap ang pananambang.

Ang grupo ng mga rebelde ay pawang mga tauhan ni Leonardo Pitao alyas Commander Parago ng Medardo Arce Command na aktibong nag-ooperate sa nasabing lalawigan.

Tumagal ng ilang minuto ang pangyayari saka tumakas tangay ang dalawang malakas na kalibre patungo sa direksiyon ng kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

ARIS MONTES

BAGANGA

BAYAN JAMAD

CLASS WILLY MANLANA

COMMANDER PARAGO

DAVAO ORIENTAL

ENGINEERING BRIGADE

ENGINEERING COVERT BATTALION

ENGINEERING DIVISION

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with