P81-M droga sinunog sa Cavite
August 20, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Tinatayang aabot sa P81 milyong bawal na droga ang sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Incinerator Facility sa Trece Martirez City kahapon ng umaga.
Kabilang sa sinunog ay tumitimbang na 40,509.87 kilong shabu na nagkakahalaga ng P81,019,740.00; 1,018.41 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana (P25,460, 25.24) gramo ng ephedrine (P31,200.00); P2, 100.00 tableta ng morphine at dalawang bote ng phentermine (P156).
Ang ginawang pagsunog sa bawal na droga ay pinangunahan nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, DILG Sec. Jose "Joey" Lina Jr at PDEA Director General Anselmo Avenido Jr. at sinaksihan ng mga lokal na opisyal ng nasabing lalawigan.
Nabatid na ito ang ikaapat na pagkakataon na nagsagawa ng panununog ang PDEA simula noong Agosto 2002. (Ulat nina Joy Cantos at Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest