^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Trader pinatay sa diskuhan
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 39-anyos na trader ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay pasakay ng kanyang kotse sa harap ng diskuhan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Barrera ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Labintatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jose Noel Ortiz ng Barangay Mabini Homesite matapos na ratratin habang pasakay ng kanyang kotseng Mitsubishi Gallant (PSU-351) sa harap mismo ng Love City disco pub bandang alas-11:45 ng gabi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
4 Sayyaf dedo sa encounter
CAMP AGUINALDO – Apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf ang iniulat na napatay sa pakikipagsagupaan sa tropa ng militar sa magkakahiwalay na pangyayari sa Zamboanga City at Basilan kamakalawa.

Hindi naman narekober ang mga bangkay dahil sa tuluyang lumubog kasama ang sinasakyang pump boat sa karagatan ng Seremon at Eleven Island na sakop ng Zamboanga City.

Bukod sa apat na Sayyaf ang napatay ng pinagsanib na puwersa ng Army’ 35th at 38th Special Forces ay sumuko naman si Arthur Mujarin sa Army’s 55th Infantry Battalion sa Maluso, Basilan. (Ulat ni Joy Cantos)
Pulis todas sa ambush
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang chief investigator sa himpilan ng pulisya sa Pandan ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nagmomotorsiklo patungo sa pinapasukang police station kahapon ng umaga.

Bandang alas-8:45 ng umaga nang ambusin ng mga rebelde ang biktima pagsapit sa Barangay Caburo, Carmoran, Catanduanes.

May posibilidad na inabangan ng mga rebelde ang biktima na dumaan sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Ed Casulla)
Negosyante itinumba sa bahay
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 53-anyos na negosyante ng laman-dagat makaraang ratratin ng dalawang nakamotorsiklo sa harap ng sariling bahay sa Barangay Jalayjay, Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na walang buhay na iniwan ay nakilalang si Rolando Sugatan, 53 matapos na bistayin ng bala ng baril ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo.

Ayon kay PO1 Richard Atienza, nagpanggap na bibili ng laman-dagat ang mga suspek at nang lumabas ang biktima sa sariling bahay ay sinalubong ng bala ng baril na ikinasawi nito. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARTHUR MUJARIN

BARANGAY BARRERA

BARANGAY CABURO

BARANGAY JALAYJAY

CENTER

ULAT

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with