^

Probinsiya

$1-B alok ng Japanese firm sa pabahay

-
ANGELES CITY, Pampanga – Nag-alok ng $1 bilyon sa pamahalaang Arroyo ang isang malaking Japanese firm para matugunan ang kakulangan ng pondo sa pabahay, ayon sa National Constructors’ Associations of the Philippines, Inc. (Nacap).

Sinabi ni Willy Castor, presidente ng Nacap na kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang kanyang grupo sa CH-KEN na pinamumunuan ni Tesuhko Fujie, chief executive officer and chairman para mapadali ang pagtatayo ng 200,000 pabahay.

Sa ilalim ng panukala ng kompanyang CH-KEN, ang unang bahagi ng pabahay ay itatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na mabibinepisyuhan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).

Ayon kay Castor, ang mga unit na aakupahan ng GSIS at SSS ay maliit lamang ang buwanang hulog, kasunod nito ay babayaran naman ng dalawang nasabing ahensya ang Japanese firm matapos na maitayo ang pabahay.

Napag-alaman na naghahanap ng lugar sa bansa ang pamunuan ng CH-KEN para mag-invest ng P300 milyong pabahay para naman sa mga Japanese senior citizen at retirees na gustong mamalagi sa bansa. (Ulat ni Ding Cervantes)

vuukle comment

ASSOCIATIONS OF THE PHILIPPINES

AYON

DING CERVANTES

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

NACAP

NAPAG

NATIONAL CONSTRUCTORS

SOCIAL SECURITY SYSTEM

TESUHKO FUJIE

WILLY CASTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with