^

Probinsiya

NPA na kotongero,minartilyo sa ulo

-
CAMP AGUINALDO – Pinatay sa pukpok ng martilyo ang isang ekstorsyunistang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ng isang sitio leader na tuluyan nang napundi sa pangingikil nito ng revolutionary tax sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima sa alyas lamang na Ka Joey, miyembro ng Front Committee 73 ng Far South Mindanao Regional Party Committe ng CPP-NPA.

Nakilala naman ang nakapatay rito na si Serio Daye, 46, lider ng Sitio Lam-Alna ng Barangay Saravia at miyembro ng B’laan Tribe sa nasabing lugar.

Ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, naganap ang madugong insidente bandang alas-4 ng hapon nang bigla na lamang dumating sa bahay ni Daye si Ka Joey kasama ang isang Ka Rafael.

Kasunod nito ay agad umanong sinabi ng mga rebelde kay Daye na dapat magbigay ng tig-iisang sako ng bigas ang bawat pamilya sa lugar na nasasakupan ng sitio leader.

Pero, hindi na pumayag si Daye sa kahilingan ng mga rebelde kaya humantong ito sa mainitang alitan.

Habang nasa kasagsagan ng kanilang alitan ay napuno na si Daye kaya kumuha ito ng martilyo at saka pinukpok sa ulo si Ka Joey na agad nitong ikinasawi.

Kusang loob namang sumuko si Daye sa Barangay Saravia Kababayan Center na bitbit ang garand rifle at isang caliber 30 carbine at revolver na tinangay niya mula kay Ka Joey.

Sinabi ni Kakilala na ang tangkang pangingikil ng CPP-NPA ay indikasyon lamang na pati mga mahihirap na taumbayan ay hindi pinatatawad ng mga rebelde.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodya ng Koronadal City PNP si Daye para maprotektahan sa posibleng pagbuwelta ng mga rebeldeng NPA laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMY SPOKESMAN LT

BARANGAY SARAVIA

BARANGAY SARAVIA KABABAYAN CENTER

DAYE

FAR SOUTH MINDANAO REGIONAL PARTY COMMITTE

FRONT COMMITTEE

JOSELITO KAKILALA

JOY CANTOS

KA JOEY

KORONADAL CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with